Hugot ni Angel: Wag mong wasakin ang kaligayahan ng kapwa mo!

ANGEL LOCSIN

Matindi ang pinakawalang hugot line ni Angel Locsin na pinaniniwalaang para sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapamilya actress ng makahulugang quote na patungkol sa mga taong hindi masaya sa kaligayahan ng kanilang kapwa.

“DON’T RUIN OTHER PEOPLE’S HAPPINESS JUST BECAUSE YOU CAN’T FIND YOUR OWN,” ang pahayag ni Angel.

Ayon sa mga followers ng aktres, ito ang sagot niya sa umano’y pagpaparinig ni Luis sa engagement nila ng movie producer na si Neil Arce.

Inakusahan kasi si Luis ng fans ni Angel na “bitter” dahil sa maling interpretasyon ng ilang netizens sa naging sagot ng TV host-comedian nang hingan ng reaksiyon sa pagpo-propose ni Neil kay Angel.

Nagpaliwanag na si Luis tungkol dito, wala raw siyang masamang sinabi tungkol kina Angel at Neil, mali lang daw ang pag-intindi at pagdinig ng madlang pipol sa kanyang panayam.

Read more...