Magnitude 5.5 lindol yumanig sa Surigao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:42 ng umaga. Ang epicenter nito ay siyam na kilometro sa silangan ng Carrascal, Surigao del Sur at may lalim na limang kilometro.

Posibleng umanong nagdulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig na ito.

Naramdaman ang Intensity V sa Carrascal, Surigao Del Sur; Butuan City.

Intensity IV naman sa Surigao City; Tandag City; Gingoog City at Magsaysay, Misamis Oriental; Tandag City; at Talacogon, Agusan Del Sur.

Intensity III sa Cagwait, Surigao Del Sur; Balingoan, Salay, Balingasag, Jasaan at Villanueva, Misamis Oriental; at Cagayan De Oro City.

Intensity II naman sa Mambajao, Camiguin, Cebu City; at Borongan City.

Intensity I naman sa Bislig City.

Read more...