GMA, ABS kinalimutan ang ‘network’ war para sa KathDen

MARAMI ang natuwa nang mag-guest sa Unang Hirit si Kathryn Bernardo.

After so many years ay nakatuntong muli siya sa GMA 7. If you’ll remember, nakagawa na ng soap opera si Kath sa

Siyete kung saan gumanap siya bilang young Marian Something.

May kinalaman ang guesting ni Kath sa promotion ng “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nila ni Alden Richards.

“Wow so happy naman. Kahit rival sobra ang bawat network. Sa bagay na ito give and take naman sila…good for all of you guys!”

“I love it. Sana gaya ng dati any network can promote in any station.”

“Yes. Natutuwa talaga ako kapag nakakapag guest ang artista ng magkabilang network. Parang ang peaceful. Hahahaha.”

“This is so refreshing! Sana pwede kasi parati ang ganito. Ang saya tignan! Sana mag guest din Kathryn sa Eat Bulaga.”

“Uy I love it. KathNiel fan here. Pero the KathDen tandem radiates goodvibes din talaga. Sana mas marami pang ganitong cross over sa ibang artist. I believe kung ganito mas maeenganyo ang mga viewers kasi unexpected tandem tapos curious sa chemistry.”

Pero hindi maiwasang may mang-asar.

“Sa wakas may nakatuntong din sa GMA ng tunay na artista nakatikim din sila ng isang tunay na artista ano kayang feeling? Mga artista nyo kasi…tsk.”

“Buti yung ABS pinapayagan artista nila pumunta sa kabila ey yung GMA kahit banggitin ayaw.”

 

Read more...