Ruru Madrid na-depress dahil sa bashers: Nasaktan ako

INAMIN  ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid na dumanas din siya noon ng depresyon dahil sa mga negative comments tungkol sa kanyang pagiging artista.

“Galing ako sa maraming tao na nag-doubt sa akin. Sinasabi nila na hindi ko kaya, hindi ko deserve ‘yung isang bagay or ‘yung projects na i-binibigay nila sa akin.

“Hindi naman ako magpapakaipokrito na sabihing hindi ako nasaktan doon sa mga sinabi nilang ‘yon. Of course nasaktan ako, na-depress ako. Umabot sa point na hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko,” pahayag ni Ruru.

Dugtong pa niya, “Pero sabi ko, bakit ako magpapaapekto sa mga taong ganoon? Na-realize ko na bakit hindi ko sila gamitin para i-boost ‘yung sarili ko to be a better person, para patunayan ko sila na deserve ko lahat ng bagay na ibinibigay sa akin.”

Read more...