SUMASANG-AYON ang mga nakapalibot sa kuwento ng nagkahiwalay na magka-loveteam na mas mabilis talagang makabangon mula sa isang break-up ang babae kesa sa lalaki.
Habang maayos na ang pakiramdam ngayon ng babae na parang walang nangyari ay nag-aalala naman ang mga kaibigan ng lalaki dahil matindi ang naging epekto sa kanya ng paghihiwalay nila ng young actress.
Kuwento ng isang source, “Napakabilis talagang makapag-move-on ng mga babae sa break-up. Ang dali-dali nilang makabawi, mabilis silang makalimot, samantalang ang lalaki, may katagalan!
“Like du’n sa magka-loveteam na kahihiwalay lang, okey na ang girl, pero ang guy, talagang hindi pa rin siya nakapagmu-move-on ngayon! Affected much siya sa nangyari sa kanila.
“Kunsabagay, kahit naman nu’ng sila pa, e, mas seryoso ang young male personality sa relasyon nila. Emotional ang guy, talagang sa isip niya, e, ang girl na ang makakasama niya habambuhay.
“Ganu’n siya, napakaimportante ng girl sa buhay niya, pero ang female personality naman, e, parang cool na cool lang,” simulang chika ng aming source.
Maraming kuwentong lumulutang ngayon kung bakit nauwi sila sa hiwalayan. Nauna na ang istoryang may bagong karelasyon ang girl, isang male personality rin na nakasama nito sa isang proyekto, pero may ibang anggulo ring lumalabas ngayon tungkol naman sa young male personality.
Kuwento uli ng aming impormante, “Pero may ibang issue rin tungkol sa kanila. Kesyo hindi na raw kasi makahinga ang girl sa sobrang higpit ng guy sa kanya. Sobrang seloso pa raw ng guy, kaya ang feeling ng girl, e, para siyang ibon na nakakulong sa cage!
“Hindi raw siya makakilos, hindi siya makapagsuot ng mga damit na type niya, dahil palaging nakakontra ang boyfriend niya sa mga type niyang damit.
“Di nga ba, lumabas na ang kuwento na kapag umaalis ang girl sa house nila, e, sangdamakmak na damit ang naka-hanger sa van niya kahit wala naman siyang shooting at taping?
“Kasi nga, kapag nainis ang guy nang dahil sa suot niyang dress, e, meron na siyang pampalit agad na nasa sasakyan lang niya! So, sakal na sakal na kuno ang girl, kaya tinapos na niya ang relasyon nila,” madiing sabi pa ng aming source.
Naku, napakadaling hulaan kung sino ang nagkahiwalay na magka-loveteam na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sobrang walk in the park lang ito!