Kasong obstruction of justice posibleng isampa sa Metrobank-Albayalde

SINABI ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na inaalam na ng mga imbestigador kung posibleng kasuhan ng obstruction of justice ang pamunuan ng Metrobank matapos namang hindi agad papasukin ang mga pulis sa niloobang sangay nito sa Binondo.

“When something happens in a place, that is considered a crime scene. Kailangan makapasok ng mabilis ‘yung ating investigators,” sabi ni Albayalde.

Nauna nang sinabi ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na hindi agad pinapasok ang mga rumespondeng pulis ng pinuno ng Metrobank Binondo brach para mag-imbestiga sa nangyaring panghoholdap.

Nakapasok lamang ang mga pulis dalawang oras makalipas ang nangyaring krimen.

Sinabi pa ni Albayalde na posibleng dahil sa nangyari kaya hindi nahuli ang pitong suspek, kasama ang dalawang lookout sa nangyaring panloloob Huwebes ng umaga.

“We will check on that kasi (because) technically, baka pwede kami makapagfile ng obstruction of justice,” ayon pa kay Albayalde.

Read more...