AYAW na sanang tapusin ni Kathryn Bernardo ang first movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na kinunan pa sa Hong Kong.
Matinding hirap at sakripisyo talaga ang ginawa ni Kathryn para lang sa nasabing pelikula na idinirek ni Cathy Garcia Molina.
“Gusto ko nang magpa-book ng ticket kasi ayoko nang tapusin ang movie kasi hirap na hirap na ako,” lahad ni Kathryn sa presscon ng “Hello, Love, Goodbye.”
Pinagbawalan kasi si Kathryn ni Direk Cathy na makipagtsikahan sa buong cast ng movie noong nasa Hong Kong sila, at maging ang mga staff and crew ay bawal siyang kausapin. Kaya feeling niya, mapapraning na siya.
Kakausapin lang si Kathryn ng staff kapag may ipinasasabi sa kanya si Direk. Gusto kasi ni Direk Cathy na maramdaman nang todo-todo ang sobrang kalungkutan at sakit na pinagdadaan ng karakter ni Kathryn sa movie na si Joy.
Kaso pati raw ang boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla ay nakikita kung ano ang nangyayari sa kanya. Kaya hindi rin nakakatulog si Daniel habang nasa Pilipinas.
“Sinabi na lang namin na mag-update kapag nasa shoot. E, na-confiscate din ‘yung phone ko. So, my God! Paano na ako mag-a-update? Lalo na kapag mabigat ang scenes ko, madalas bawal akong lumabas kaya hindi ako nakakapag-update sa kanya,” kwento pa ng aktres.
Sa pangyayaring ito may lesson daw sila na natutunan ni Daniel. At ito ay ang tiwala nila sa isa’t isa,
“Yung sinasabi ko lang palagi sa kanya, tiwala lang. Sinabi ko rin sa kanya na mahihirapan akong magtrabaho kung may mabigat sa loob mo.”
After that, full support na raw ang ibinibigay ni Daniel sa proyekto ni Kathryn especially nu’ng na-meet na nito si Alden, “So, ang naging challenge lang sa amin kung ganoon katagal maghiwalay, ay talagang super hirap. Kaya, hayun, all-out siya, supportive siya rito sa movie,” aniya pa.
Si Alden naman all praises nu’ng ma-meet na niya si Daniel.
“Si DJ din nagkikita rin kami kapag events. And, medyo hi, hello lang. Eto mas personal kasi nakatrabaho ko si Kath. And yung official talaga na nag-usap kami was nu’ng pumunta si DJ sa tent ko. Hindi po sa Hong Kong. Hindi po kami nagkita doon,” lahad ni Alden. Nagkita naman daw sila ni Daniel sa Hong Kong pero nagkahiyaan daw sila.
“Ganu’n po talaga kapag instant. Mabait po si Daniel at talagang nag-congra-tulate siya amin, at nagpasalamat din siya na inalagaan ko si Kathryn. So, parang ang gaan lang po ng pelikula dahil wala kaming nasagasaan kahit sinong tao,” aniya pa.
Saludo rin ang mga taga-Star Cinema, lalo na si Mico del Rosario sa kabaitan ni Alden. Patunay niya ang paglalakad mag-isa ng aktor sa Hong Kong pabalik sa hotel niya after ng shooting. Hindi raw alam ni Alden na may sasakyang maghahatid sa kanila pabalik.
Natuwa rin kami kay Alden nang magbigay na siya parting shot during the “HLG” presscon dahil nagpasalamat siya sa lahat ng taong tumulong sa kanya to fulfill his dream of working with Direk Cathy and Star Cinema.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang talent manager from Asian Artist Agency na si Phillip Roxas.
Long time friend ni Alden si Philip or most commonly known sa showbiz bilang si Dada.
Nagta-try pa lang sa Pinoy Big Brother si Alden noon, e, nandiyan na si Philip sa buhay niya. Si Phillip ang naging daan para makontak ng Star Cinema si Alden for a project. Naka-tatlo hanggang apat na meetings, more or less sila bago na-close ang deal between Star Cinema and Alden.
Present si Phillip sa lahat ng meetings na yan, ha. And so, nu’ng nag-shoot na si Alden sa Hong Kong nag-text siya kay Phillip and asked him kung hindi raw ba siya pupunta doon. Ang sweet, di ba? But sad to say, up to now ay hindi pa ulit nagkikita sina Alden at Philip.