Kris magpapalakas para sa ‘K(Ampon)’

By Bandera July 12,2019
share this

Kris magpapalakas para sa ‘K(Ampon)’

By Bandera July 12,2019
share this

KRIS AQUINO

Kailangang magpalakas at makapag-ipon ng energy ang Queen of All Media na si Kris Aquino para sa bago niyang pelikula, ang “K(Ampon)” kung saan makakasama niya si Derek Ramsay.

Siguradong masayang-masaya ngayon ang supporters ni Kris dahil pasok na nga sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2019 ang movie nina Kris at Derek. Ito rin ang magsisilbing comeback ng TV host-actress sa horror genre.

Bago bumandera ang pagkakapasok ng “K(Aampon) sa MMFF 2019, nag-post pa si Kris ng kanyang selfie sa Instagram kung saan makikita ang napakapayat pa rin niyang mukha. Aniya, kuha ang litrato last Sunday kun saan kitang-kita rin ang pag-atake uli ng kanyang allergies.

Caption ni Kris sa kanyang IG photo, “I’m allergic to all pain relievers. What do you do pag may migraine attack? ‘Di na kinaya ng essential oils ko.

“What can i do to help prevent migraines & what to do pag mayroon na kung kagaya ko na bawal ang pain relievers na gamot. Also can’t do acupuncture. Ang hirap ‘di ba? Your suggestions will be much appreciated. Help please?” aniya pa.

Narito ang ilang suggestions ng kanyang followers.

Sey ni @bonita_jiniya, “Everytime ina atake ako ng migraine ko sinusuka ko para mawala ang migraine. Lalo na pag nag throbbing na sya.”

Komento ni @prettywarrior_mar’s, “Try to take a tablespoon of lemon juice with pinch of himalayan salt..wait 10 mins before you take 2 glass of warm water.. always works for me.”

Suggestion naman ni @joermz09, “Hi ate kris ako din po lagi inaatake ng migraine. Ginagawa ko po maligamgam na tubig ang pinapaligo ko tapos kain lang po ng apple. Lagyan niyo po ng warm towel sa may bandang neck. Get well soon po ate God Bless!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending