F2 Logistics Cargo Movers habol ang first round sweep


Mga Laro Huwebes (Hulyo 11)
(Muntinlupa Sports Center)
4:15 p.m. Marinerang Pilipina vs F2 Logistics
7 p.m. Generika-Ayala vs PLDT
Team Standings: F2 Logistics (6-0); Petron (5-1); Generika-Ayala (4-2); Foton (4-3); Cignal (2-4); PLDT Home Fibr (2-4); Sta. Lucia (1-5); Marinerang Pilipina (0-5)
MAWALIS ang first round ng elimination ang hangad ng F2 Logistics Cargo Movers sa pagsagupa nila sa Marinerang Pilipina Lady Skippers sa kanilang 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference game ngayong Huwebes sa Muntinlupa Sports Center sa Muntinlupa City.
Habol ng Cargo Movers ang ikapitong sunod na panalo kontra Lady Spikers sa kanilang alas-4:15 ng hapon na laro.
Tatangkain naman ng Generika-Ayala Lifesavers na makabangon buhat sa pagkatalo sa paghaharap nila ng PLDT Home Fibr Hitters sa ganap na alas-7 ng gabi.
Sa pangunguna ni Filipino-American Kalei Mau, ang Cargo Movers ay rumatsada sa anim na diretsong panalo para maungusan ang Petron Blaze Spikers (5-1), Generika-Ayala Lifesavers (4-2) at Foton Tornadoes (4-3) na nasa ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Si Mau, na dating Arizona star na lumipat sa Cargo Movers matapos mabuwag ang United VC, ay nagpapakita ng mahusay na paglalaro katuwang sina Aby Maraño, Dawn Macandili, Ara Galang, Kianna Dy at Majoy Baron.

Read more...