Lalaki dakip sa pag-rape slay sa paslit

ARESTADO ang isang lalaki para sa paghalay at pagpatay sa 5-anyos niyang paamangkin, sa Calumpit, Bulacan.

Nadakip ang suspek na si Marvin Mengulio, 23, matapos madiskubre ang bangkay ng paslit Martes ng hapon, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.

Natagpuan ang bangkay na lumulutang sa bahagi ng Pampanga River na sakop ng Brgy. San Miguel dakong alas-3.

Matapos ito’y nagtanung-tanong ang pulisya sa mga residente para makahanap ng saksi o di kaya’y “person of interest,” hanggang sa matanong si Mengulio.

Doon inahayag ni Mengulio na siya ang humalay at pumatay sa paslit.

“As averred by the suspect, the minor victim was asleep when he carried her near the river and then raped her by inserting his fingers to the victim’s private part. As the victim got awakened and cried, the suspect panicked and pushed the victim in the water,” sabi sa ulat ng pulisya.

Inihayag naman ng ina ng biktima na dati nang minolestiya ng suspek ang paslit noong ito’y 3-anyos pa lang, ngunit di nila ito inulat sa pulisya.

Nasa kostudiya na ng Calumpit Police si Mengulio habang hinahandaan ng kasong rape with homicide.

Read more...