There’s no substitute for public safety.
Ito ang pinaninindigan ng isang aktres sa kanyang panawagan that our government agencies particularly the Department of Energy and the Department of Trade and Industry address the problem tungkol sa umano’y paglaganap ng mapaminsalang liquefied petroleum gas (LPG) tank flooding the market.
Huwag na raw namin banggitin ang kanyang pangalan, but being a consumer herself (and one who can pass for a special agent na aniya’y hindi pa niya nagagampanan) ay nangangamba siya sa nakaambang panganib na maaaring idulot ng nasabing produkto ng tinukoy niyang manufacturing business owned by a Chinese businessman.
A resident of the Camanava area, nakabili raw ang aktres ng LPG tank malapit sa planta nito sa Valenzuela City. Noong una’y tiwala naman daw siya sa safety standards na ipinatutupad nito.
But the curious, prying detective took the better of her. Through a neighbor who has access to the plant ay natuklasan ng aktres na doon pala sinasalansan ang mga kinakalawang na LPG tank, na iniispreyan lang ng pintura to make it look new.
Hindi rin daw ito umano dumaan sa masusing pagsusuri ng Bureau of Philippine Standard (BPS) o sa electrochemical at electromagnetic process na pinangangambahang posibleng maghatid ng peligro sa mga consumers.
Balak pa naman ng aktres na gawing fallback ang pagtatayo ng isang resto bilang katas ng kanyang showbiz earnings.