PNP iniimbestigahan na ang umano’y kidnapping ng mga mayayamang BIR execs

SINABI ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde na iniimbestigahan na ang ulat na umabot na sa 15 mayayamang opisyal ngBureau of Internal Revenue (BIR) ang biktima ng kidnapping simula pa noong 2013.

Idinagdag ni Albayalde na nakarating na kay Pangulong Duterte ang ulat at ipinag-utos ang pagsisiyasat nito.

“That is being looked into. Sometimes ang problema kasi is ‘yung alleged victims, ayaw nila magcomplain (the problem is the alleged victims sometimes do not want to file a complaint),” sabi ni Albayalde.

Ani Albayalde na hindi iniuulat ng mga biktima ang insidente dahil hindi rin nila kilala ang mga nasa likod ng kidnapping.

Ayon pa ni Albayalde na bumuo na ng grupo na siyang magsasagawa ng imbestigasyon sa isyu.

” Most of the teams are situated in Metro Manila where the incidents reportedly happened,” ayon pa kay Albayalde.

Read more...