#Shookt: Bitoy ginulat ang mga namamasyal sa mall

MICHAEL V

Pinasaya ni Michael V. ang kanyang fans nang mamasyal siya sa isang mall sa Mandaluyong.

Nagkaroon doon ng cinema test ang pelikulang “Family History,” ang directorial debut ng Kapuso comedian kung saan siya rin ang sumulat ng script, producer at lead actor.

Maraming tao ang nagulat nang makita nila sa personal si Bitoy kaya naman hindi nila pinalampas ang chance na makipag-selfie sa comedy genius. Pinaunlakan naman ni Bitoy ang lahat ng nagpa-picture sa kanya at may isa pa nga na nagpa-autograph sa kanyang jacket.

Lalo tuloy na-excite ang kanyang fans sa nalalapit na natiowide premiere ng “Family History” this coming July 24.

Read more...