Intsik umiihi sa kalye, ide-deport

ISKO MORENO

NAIS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipa-deport at i-ban sa bansa ang Chinese na nahuling umiihi sa Binondo, Sabado ng gabi.

Sinabi ni Moreno na personal niyang hihilingin sa Bureau of Immigration na mapa-deport ang Tsino.

Base sa ulat, sinaktan pa ng Chinese si Barangay 281 chairman Jeff Lau nang sitahin nito.

Iginiit ni Moreno na dapat na respetuhin at igalang ng mga banyaga ang mga ipinapatupad na regulasyon sa Maynila.

“If you hit our enforcer, if you attempt to hurt our policemen because you are a superpower, you believe that malaking bansa kayo, you are not welcome to the City of Manila,” sabi niya.

“We are now going to write to Immigration to deport this Chinese fellow na umihi sa kalye ng Maynila, na nanapak pa… We will request the immigration to deport you and ban you from entering the country,” dagdag niya. —

Read more...