Korean version ng ‘Designated Survivor’ umaarangkada na

JI JIN HEE

KOREAN word of the week: “Cheonman e yo” – sa Ingles ito ay “You’re welcome” at sa Tagalog naman ay “Walang anuman.”

Napapanood na ngayon ang Korean version ng US original series na Designated Survivor starring Ji Jin Hee.

Pinamagatang Designated Survivor: 60 Days, gagampanan ni Jin Hee ang papel na Park Moon Jin, bilang head ng Ministry of Environment.

Sa hindi inaasahang pangyayari, mapipilitan si Moo Jin na pangunahan ang bansa sa loob ng 60 days matapos ang isang terror attack sa isinagawang State of the Union Address, na ikinamatay ng presidente at ng iba pang lider ng bansa.

Pangungunahan ng karakter ni Jin Hee ang Blue House bilang acting president at hahabulin ang utak sa nangyaring terrorism attack.

Kabilang sa mga hit drama ni Jin Hee ang mga period drama na Dae Jang Geum (2003) at Dong Yo (2010).

Bukod sa dalawang blockbuster historical drama, napanood din siya sa Take Care of Us, Captain (2012), Blood (2015), Late Night Restaurant (2015), I Have a Lover (2015), Second to the last Love (2016), at Misty (2018).

Read more...