NAITALA ni Pangulong Duterte ang pinakamataas nitong net satisfaction rating sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa mula Hunyo 22-26, nakakuha si Duterte ng 80 porsyento, siyam na porsyento ang undecided at 12 porsyento ang dissatisfied o net satisfaction rating na 68 porsyento.
Mas mataas ito sa survey noong Marso 2019, kung saan nakakuha si Duterte ng 79 porsyento, walong porsyentong undecided at 13 porsyentong dissatisfied o net rating na 66 porsyento.
Sa National Capital Region, nakakuha si Duterte ng 59 porsyentong net satisfaction rating (73 porsyentong satisfied, 13 porsyentong undecided at 14 porsyentong dissatisfied).
Sa iba pang bahagi ng Luzon ay nakakuha ito ng net rating na 65 porsyento (78 satisfied, 9 undecided at 13 dissatisfied).
Sa Visayas ay 66 porsyentong net rating (77 satisfied, 11 undecided at 12 dissatisfied).
Sa Mindanao ay 81 porsyentong net rating (88 satisfied, 4 undecided at 8 dissatisfied).
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.