HINDI pa man tuluyang tumataas, muling lumalapit ang level ng tubig ng Angat dam sa critical level nito.
Ngayong umaga ay naitala sa 161.22 ang lebel ng tubig sa dam. Bumaba ito ng 0.23 metro mula sa 161.45 metrong sukat noong Sabado ng gabi.
Ang critical level ng dam ay 160 metro.
Bumaba rin ang tubig sa La Mesa dam ng 0.02 metro o mula 72.38 at naging 72.36 metro.
Ang Angat at La Mesa dams ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES