Christian: Hindi porke suportado ang LGBT bakla na kami!

SINUPORTAHAN ni Christian Bables ang LGBTQ+ community by attending the Metro Manila Pride

Parade 2019 na ginawa sa Marikina Sports Center last June 29.
With this, may dalawang fans na nag-akala na bading si Christian.

Kaagad namang sinagot ng binata ang dalawang female fans.

“Karen and Shara, para sa kaalaman niyo, hindi porke naniniwala kami sa ipinagla-labang pantay na karapatan ng komunidad ng LGBT, ay bakla or tomboy na kami.

“Ang LGBT ALLY ay kakampi ng kanilang komunidad. Ibig sabihin naniniwala ang mga ‘allies’ sa pantay na karapatan na dapat natatanggap ng bawat miyembro ng kanilang komunidad, dahil TAO sila.

Example, si Catriona Gray-she’s an LGBT ally, ibig bang sabihin non tomboy siya? Hindi. Ayan ang explanation na dapat niyong natatanggap at hindi explanation mula sa tanong na, ‘bakit umattend ng pride event si Christian?’ (Dahil ayan ang ibig ipahiwatig ng caption mo).

“Piliin niyong matuto. Do not settle for the nakaugaliang ‘Gender Stereotyping’ —ibi-nabase ang gender ng isang tao base sa nakaugaliang pang jujudge. Example ang babae pag hindi pino gumalaw tomboy na agad. Ang lalaki pag hindi padaskol magsalita, bakla na agad.

“Anong basehan niyo para matawag na ‘tomboy’ or ‘bakla’ ang isang babae o lalake? Tanungin niyo mga sarili niyo. Tapos tanungin niyo mga sarili niyo kung makakasakit ba kayo ng kapwa TAO bago niyo bitawan ang isang panghuhusga or ang isang salita. Piliin niyong matuto. Piliin niyong magpakatao. Ok? Ok!”

‘Yan ang mahabang aria ni Christian.

“Kaya may mga taong natatakot sumuporta at manindigan sa kung ano ang tingin nilang tama, dahil may mga taong ganito. Sorry for the word, pero mga nalason ito ng maling nakaugalian. Pero hindi dahil nalason, salot na. Pwede pang gamutin. Dapat maging bukas lang matuto,” tweet pa ng actor.

Read more...