Alden: Greatest blessing ko ang Eat Bulaga 

GREATEST blessing kung tawagin ni Alden Richards ang pagdating sa buhay niya ng Eat Bulaga.

At kung siya ang tatanungin, mas excited siyang makasama ang Sugod Bahay Gang sa “Juan For All All For Juan” dahil personal niyang nakakasama ang mga loyal viewers ng EB.

Dedma lang daw siya kahit mainitan at pawisan sa barangay dahil mas napi-feel niya ang pagmamahal ng mga nakakasalamuha nila, “You’ll realize na…maha-humble ka na lang you are more blessed than them.”

“It’s really a small price to pay. Yung reward is being able to know the stories of the people kasi ang dami. Very colorful ang buhay ng mga taga barangay,” aniya pa.

“I’m comfortable being in the APT Studios, pero iba kasi ‘yung feel when you are outside. I want to get to immerse more on the barangay side, kasi basically ‘Juan for All All for Juan’ is Eat Bulaga,” dagdag niya.

Ipinagdiriwang ng longest-running at multi-awarded noontime show ang kanilang 40th anniversary ngayong buwan at isa si Alden sa mga nabiyayaan ng blessing ng noontime show. “Being in Eat Bulaga is the greatest blessing so far,” aniya pa.

 

Read more...