GULAT na gulat si Gary Valenciano nang magising kahapon (pero may kasamang ngiti) dahil nalaman niyang umabot na sa four million ang followers niya sa Twitter.
Hindi kasi in-expect ni Mr. Pure Energy na aabot sa ganu’n karami ang magpa-follow sa kanya sa Twitter. Pero agad nagpaalala si Gary sa lahat ng mga netizens tungkol sa paggamit ng social media.
“I was shocked to see that number this morning. Please be reminded however that numbers like these do not and should not define who you really are.
“It’s word of truth that should define you…not numbers God bless you all,” tweet ni Gary.
Naku, dapat isautak ito ng maraming celebrities na porke milyones ang followers eh feeling nila ay napakalaking achievement na ‘yon, huh!
Sa showbiz ngayon, hindi sukatan ang milyun-milyong followers sa social media para sabihin na made na made na sila.
Isang factor lang ‘yon dahil pagdating sa TV, ang kakayahang mapa-rate ang show na kinabibilangan ang mas mahalaga.
Sa mga nabibigyan ng chance na magbida sa pelikula, hindi porke milyones ang hits, views, etcetera, eh papatok na rin sa takilya ang movie nila, huh!
Tandaan na libre ang paggamit ng social media at walang bayad kapag nag-subscribe ka sa mga YouTube channels o vlog ng mga artista kumpara sa pelikula na talagang gagastos ka.
Kaya kapag na-translate sa datung o kita sa sinehan ang hits/views o number of followers, winner na ang artista, huh!
So, alalahanin ‘yo lagi ang payo na ito ni Gary V para tumagal din kayo sa mundo ng showbiz. Dahil kung hindi, siguradong hindi pa kayo sumisikat, laos na agad kayo, huh!