PALAGING bumibida sa mga kuwentuhan ang isang magandang aktres na kulang sa pansin (KSP) ayon sa kanyang mga katrabaho. Mahilig siyang magpapansin, kumuha ng atensiyon ng publiko, tamang-tama nga ang tawag na KSP sa kanya.
Maganda siya, magaling din naman siyang umarte, pero maraming nakakapansin na mahilig talaga siyang magpapansin. Kahit ano lang, mema lang, hihirit at hihirit talaga ang magandang young actress.
Kuwento ng isang source, “Anong attention pa ba naman ang kailangan niya? E, sa kakukuda nga niya sa social media, e, sagana na siya sa pansin at atensiyon! ‘Yun nga lang, palagi siyang nanenega!
“Kung anu-ano naman kasi ang ikinukuda niya, mahilig siyang maglabas ng mga info tungkol sa mga guys na nali-link sa kanya. Ewan, baka nga isang araw, e, wala nang manligaw sa kanya, madaldal kasi siya!” unang chika ng aming impormante.
Napansin din ng mga kasabayan ng magandang aktres na nagbago na ang kanyang ugali mula nang mabigyan siya ng pagkakataong magbida sa isang serye.
Balik-chika ng aming source, “Maagang nalunod sa isang basong tubig ang babaeng ‘yun! Dati naman, e, sabi ng mga ka-contemporary niya, e, hindi siya ganyan, napakasimple lang niya!
“Pero ngayon, umaarte na siya nang hindi tama, marami na siyang ipinakikitang kaangasan. At kung makapagsalita siya, e, parang hawak niya ang lahat ng mga kalalakihan!
“Sa isang kumpas lang daw niya, e, kayang-kaya na niyang paibigin ang lalaki. Malakas din ang tama ng girl na ito, ‘no! Napakatindi ng believe niya sa sarili niya, sa totoo lang!
“Flirt kung flirt lang pala ang drama niya, makuha lang ang attention ng isang guy! Uminom din sana siya ng kape paminsan-minsan para naman magbago ang tingin niya sa sarili niya!
“Para naman nerbiyusin siya! Aba, sobra naman ang tingin niya sa sarili niya, porke ba maganda siya, e, matataypan na siya ng lahat ng mga lalaki?
“Kundi pa siya KSP! Kulang na kulang siya sa pansin, kaya lahat na lang ng nangyayari sa buhay niya, e, nakabalandra sa publiko! Maganda raw kasi siya, kulot-kulot daw kasi ang hair niya na katulad ng isang brand ng doll na kapangalan niya!” inis na pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!