AMINADO si Beauty Gonzales na dumaan din siya sa “baliw-baliwan” stage ng kanyang showbiz career.
Pero nagpapasalamat siya dahil hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at patuloy pa rin siyang pinagkatiwalaan at binigyan ng trabaho, ito ngang top-rating serye na Kadenang Ginto.
“Sabi ni sir Deo (Endrinal) O, ‘wag ka nang baliw-baliw ha, o heto na, gawin mo na. Kasi I have this baliwan issue last year. So, parang sabi niya gawin mo na ito (Kadenang Ginto), sabi ko, ‘kaya ko ba talaga ito?’
“Sabi niya kaya ko, so sabi ko, ‘sige-sige.’ I’m so happy kasi after that kabaliwan issue ko, I’m back and I’m happy to where I am. I am home,” ang pahayag ni Beauty nang matanong tungkol sa muntik na niyang paglipat sa ibang TV network.
Sabi naman ng Dreamscape Entertainment business unit head na si Deo Endrinal, “In all fairness, it was Lauren (Dyogi) who was talking to Beauty and sabi niya sa akin, ‘kunin mo na si Beauty for Kadenang Ginto’ tapos sabi ko sige, and then nag-meet kami to offer KG kasi she’s going to move na to another network at that time.”
Singit naman ni Beauty, “I was just a friendly neighbor. Oo, God is so good, thank you so much. Thank you my fairy godmother, you taught the dragon so well, the show is doing well.
“And thank you ABS-CBN I’m happy to be here and I don’t want to leave anymore. Thank you so much, I’m just a friendly neighbor, nakikain lang ako ng lechon bumalik lang din ako,” sabi pa ng aktres.
Good choice talaga na hindi siya umalis sa ABS at tinanggap ang Kadenang Ginto dahil extended na naman ang serye nila ni Dimples Romana dahil sa taas ng rating nito. Sa katunayan, nag-trending uli ang programa dahil sa viral memes ng mga litrato nina Dimples at Beauty bilang sina Romina at Daniella.
At dahil sa sobrang sikat na ng Kadenang Ginto ay talagang jampacked ang lahat ng mall shows ng cast iba pa ang sariling show din ng Gold Squad na kinabibilangan ng mga bagets na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.
Ano ang nararamdaman ni Beauty sa success ng programa nila? “Oh, I’m enjoying every moment of it. Honestly siyempre ini-enjoy ko pangarap ko ito, eh. Sabi ko nga kay Dimples iniidolo ko siya dati, sobra hanggang ngayon kasi lahat ng mga bestfriend roles, ‘yun ‘yung role ko rati. Sabi ko gusto kong maging Dimples para tuluy-tuloy sa showbiz.
“Sinabi ko talaga ito sa Star Cinema na si Dimples ang peg ko. Hindi naman magwo-work si Romina na walang Daniella. Ini-enjoy ko and ini-enjoy ng viewers, you know when the viewers are enjoying as an instrument of portraying someone, enjoy mo rin ginagawa mo.
“I’m happy din with my husband (Norman Crisologo) kasi he really supports me like sabi ko, ‘O, may bago akong ka-loveteam si Richard Yap.’ Sabi niya ‘I’m happy for you.’
“Hindi siya nai-insecure kasi my husband is into women empowerment like gusto niya ipakita na kahit may asawa ka na, may pamilya ka na, you’re happy but you can still have a love interest in the movie kasi pang Hollywood ang iniisip niya.
“Gusto niyang i-level up ng ganu’n. Hindi porket may asawa’t anak na hindi ka na puwedeng magpakakilig kaya mo pa ring gumawa ng konting pa-romcom ganyan.’
“Ang advice lang niya sa akin was, make sure I brush my teeth before I kiss him baka raw may hinalikan akong iba, so ‘yun lang naman,” mahabang kuwento ni Beauty.
Sa ilang taon na niya sa showbiz ay hindi niya naisip na aabutin niya ang ganitong kasikatan, “Hindi kasi ang una kong inisip, I need to save my ass kasi binigyan ako ng chance na nandito ulit. Kaya ang focus ko talaga is to save myself and to prove myself and worth for the role.
“Actually hindi ko na iniisip ‘yan, naisip ko lang minsan nu’ng dumaan ako tapos may sumigaw ng ‘Romina, Romina!’ Hala okay, sikat na pala ako, ganu’n lang. I mean I just take it day by day. What’s important to me is my sanity, so ini-enjoy ko lang,” paliwanag ni Beauty.