Paolo Duterte umatras sa speakership race


UMATRAS na si presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte sa pagtakbo sa speakership race.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na kinausap niya ang kanyang amang si Pangulong Duterte noong Huwebes at gabi kaugnay ng kanyang pagsali sa speakership race.

“We both agreed that this will not be the right time for me to be Speaker and I can still help his administration from the House in a different capacity,” saad ng nakababatang Duterte.

Sinabi ng solon na bilang pangulo ng Hugpong sa Tawong Lungsod ay susuportahan niya ang speakership bid ni Davao City Rep. Isidro Ungab mula sa Hugpong ng Pagbabago, na pinamumunuan ng kanyang ate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“The President has also been fully informed of Rep. Ungab’s participation in the race for the next Speaker of the House of Representatives.”

Nauna rito ay sinabi ng Pangulo na magre-resign siya kung tatakbo ang anak sa pagka-speaker.

Sinabi naman ni Leyte Rep. Martin Romualdez, isang contender sa speakership race, na susuportahan nito ang war against poverty ng Duterte government.

“We are winning the war against criminality and terrorism. We are one of the fast-growing economy in Asia. It is time now to focus more on the President’s war against poverty,” ani Romualdez. “The 18th Congress must step up to the plate. Lifting Filipinos out of poverty is the top priority of President Duterte in the next three years and we need everybody’s support for this mission.”

Sinabi ni Romualdez na maganda ang tinatakbo ng bansa at patunay dito ang mababang inflation rate na naitala noong Hunyo.

“Our people are slowly realizing, through direct experience, the benefits of our economic growth. If we can sustain this, the goal of transforming the Philippines into an upper middle-income by 2022 is achievable,” dagdag pa ni Romualdez.

Read more...