SUCCESS ang pagrehistro ni Anne Curtis sa upcoming Tokyo Marathon na gaganapin sa March 2020.
Pasok ang pagsali ni Anne sa nasabing marathon event sa Japan at ito ang kanyang pinagmalaki sa kanyang Twitter followers.
“CONFIRMED!!! I’M IN! I’ll be doing the @TokyoMarathon_E marathon in 2020. YAHOOO.
“My 3rd World Major Marathon @WMMajors,” excited na tweet ni Anne.
Ilan sa sinalihang major marathons ng misis ni Erwan Heussaff ay ‘yung ginanap sa New York City noong 2016 and last year, sa London marathon naman siya sumabak. Kahit next year pa ang marathon sa Tokyo, sisimulan na niyang mag-training ngayon.
Tumigil daw kasi siya sa pagtakbo nitong mga nakaraang buwan kaya medyo kakaririn niya ang training, “I stopped running kasi. 42.2 km is no joke!”