Sarah awang-awa kay Matteo sa military training: Love, iuwi na lang kita, please!

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Awang-awa si Sarah Geronimo sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli habang sumasailalim ito sa military training bilang scout ranger reservist.

Naikuwento ng binata sa Magandang Buhay ang eksena nu’ng minsang dumalaw sa kanya si Sarah, “She visited me one time. Nakita niya ‘yung tent namin doon. ‘Yung tent namin kasama ko, ‘yung isang buddy ko, ang pangalan niya si Cañete, taga-PMA, buddy ko ‘yon. Ganito lang kaliit, dito ako, diyan siya. Tapos ‘yung gamit namin, tapos nasa sahig kami.”

“Nakita ni Sarah ‘yung tent ko. Sabi niya, ‘Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito.’ Minsan naman sinasabi ko sa kanya, ‘Love, hindi ka ba naaawa sa akin?’ Tapos sasagot siya ng, ‘Eh gusto mo na ‘yan,'” natatawang dagdag pa niya.

“I asked her permission. Sinabi ko I will be responsible, I will be safe,” sey pa ni Matteo. Nitong nakaraang weekend, natapos na ni Matteo ang kanyang 30-day training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Read more...