Empleyado ng SSS patay sa suntok

 

KALABOSO ang 23-anyos na lalaki na sumuntok sa empleyado ng Social Security System na nawalan ng malay-tao at namatay sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang suspek na si Dionicio Dilubio, ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Nagtalo umano ang suspek at ang biktimang si Robin Rosales, 48, ng Caloocan City, na sakay ng isang bus. Nauwi umano sa suntukan ang pagtatalo na napigilan ng iba pang pasahero.

Nang bumaba ang nasawi at ang kanyang misis na si Leiya Rosales alas-8:30 ng gabi sa kanto ng EDSA Kamuning at Kamias Rd., Brgy. West Avenue, ay sumunod umano ang suspek.

Sinuntok umano ng suspek ang biktima sa batok kaya bumagsak ito sa kalsada at nawalan ng malay-tao. Isinugod ang biktima sa Philippine Heart Center at idineklarang dead on arrival.

Ayon sa misis ng biktima ang kanyang asawa ay sumailalim sa by-pass heart surgery kamakailan.

Kasong murder ang inihahanda ng pulisya laban sa suspek.

Read more...