Bagong LPA binabantayan

ISANG bagong low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Pero maliit umano ang posibilidad na maging bagyo ang LPA na ito pero palalakasin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan.

Ngayong umaga ang LPA ay nasa layong 40 kilometro sa silangan ng Zamboanga City. Malulusaw umano ito sa mga susunod na araw.

Ang LPA na binabantayan ng PAGASA noong Huwebes ay nalusaw na.

Read more...