DAHIL naka-indefinite leave na nga ngayon si Korina sa ABS-CBN, kinakarir na niya ang pagiging businesswoman. In fairness, bumobongga na ang kayang K Magic skin and hair product essentials na kanya ring ineendorso kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng It’s Showtime.
Maliban sa Wonder K na gumagawa at nagdi-distribute ng pampapayat na powdered juice drink tulad ng K Berry Slim, ang K Magic ay mga FDA approved line of skin and hair product essentials under K Everyday, mula pa rin sa kanyang Universal K Corporation.
Balita ni Ate Koring, kilala na ng marami ang star product ng K Everyday na K Magic Skin Cream for body and face na inilarawan niyang, “parang magic” ang effect.
“I’m very happy and proud of this product kasi nagustuhan talaga ng tao. Pero kailangan din masubukan ang lahat ng products ko because they’re all effective. Pinag-isipan kong mabuti ang formulations and galing Switzerland pa ang mga ingredients,” pahayag pa ng misis ni former Sen. Mar Roxas.
Bukod diyan, kasama rin sa product line ang K Magic Happy Hair Shampoo and Conditioner, Anti-perspirant Whitening Deo Roll, Underarm Whitening Serum, Brightening and Moisturizing Facial Wash, Brightening Micellar Toner Mist at ang Pampa Kit at K Magic Kili Kili Kit.
“Sobra akong proud na napili ako ni Ate Korina para maging ambassador nila. Nabanggit ko kasi minsan sa kanya na ginagamit ko yung Pampa Kit and Kilikili Kit at Happy Happy Hair n’ya. Ayun, biglang sabi niya, perfect daw ako na maging tagabalita kung gaano sila ka-effective,” sabi pa ni Ate Girl.
Biro pa niya, “Okay lang ang ma-heart broken, o kulang ang pang-shopping, o pagod sa work. Basta kailangan maganda ka lagi! Ha-hahaha!”
Habang naka-indefinite leave nga si Korina sa ABS-CBN bilang isa sa pinakamatinik at beteranang newscaster nito sa loob ng 30 taon, pinayagan na ng Kapamilya Network na pumasok sa negosyo ang host ng top-rating Sunday magazine show na Rated K, “I am happy I’m still with ABS-CBN dahil sa Rated K. Sila lang ang nakilala at kinalakihan kong kapamilya and they continue to believe in me as I believe in ABS-CBN,” sabi ng broadcaster-entrepreneur.
“Matagal ko nang pinag-iisipan ang health and beauty business na ito. Kaya lang, siyempre naging abala ako sa trabaho ko sa Dos. Ngayong nag-file ako ng indefinite leave, mayroon na akong kalayaan at oras para sa pagpapaganda ng mga tao, na kahit sino ka man, abot kaya mo ang kagandahan.
“Lahat ng tao gustong umayos ang kondisyon ng balat at gumanda. Lahat gustong nangingiti pag tumingin sa salamin. Lahat gustong mapansin at napupuri. Confidence ang katapat n’yan eh. Project Ganda ko ito,” aniya pa.
For inquiries, pumunta o mag-log on lang sa www.keverydayusa.com. Available rin ang mga ito sa select Mercury Drug stores, sa Shopee at Lazada (online shopping), Victory Mall sa Pasay, Caloocan at Antipolo, at sa Star Mall branches.