‘Probinsyano’ ni Coco, ‘General’s Daughter’ ni Angel hari’t reyna pa rin sa ratings game

COCO MARTIN, ANGEL LOCSIN, NOLI DE CASTRO AT CHARO SANTOS

PATULOY na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ang ABS-CBN na naghatid ng makabuluhang balita at magagandang programa matapos makakuha ng average audience share na 44% nitong Hunyo, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sinasalamin ng listahan ng most watched programs noong Hunyo ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa nationwide ratings dahil siyam na Kapamilya programs ang pumasok sa listahan, kung saan nangunguna pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.3%) ni Coco Martin.

Nasa ikalawang pwesto naman ang The General’s Daughter (30.8%) ni Angel Locsin na sinundan ng Search for the Idol Philippines (28.3%) na nagsimula na ngang mag-eliminate sa top 12 hopefuls nito.

Patuloy din ang pagtangkilik ng viewers sa TV Patrol (27.75) nina Noli de Castro, Ted Failon at Bernadette Sembrano para sa impormasyon, habang pasok pa rin ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos (26.8%) sa listahan dahil sa mga kwento nitong naghahatid ng aral at inspirasyon.

Hindi rin bumibitiw ang viewers sa seryeng Kadenang Ginto (23.7%) tuwing hapon, habang tinutukan din buong Hunyo ng viewers ang weekend shows na Hiwaga ng Kambat (22.2%), Home Sweetie Home Extra Sweet (21.8%), at Rated K Handa Na Ba Kayo? (19.6%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 45%. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 39%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 44%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 48%.

Panalo rin sa ratings ang Kapamilya network sa Metro Manila sa pagtala nito ng 42%; sa Mega Manila na may 36%; sa Total Luzon na nakakuha ng 40%; sa Total Visayas kung saan nakaani ito ng 53%; at sa Total Mindanao na nakapagtala naman ng 52%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Read more...