Ion Perez todo-alaga kay Vice sa ospital

VICE GANDA

Pagkalipas ng tatlong araw ng pagkawala sa It’s Showtime ay napanood na muli si Vice Ganda kahapon.

Mula noong Lunes hanggang Martes ay na-confine si Vice sa The Medical City, lumabas lang siya nitong nakaraang Miyerkules matapos sumailalim sa ilang medical tests.

Kuwento ng isang taong malapit sa TV host-comedian, “Last week pa siya may sakit pero pumapasok pa rin siya sa Showtime. Nag-report din siya sa Idol Philippines Live noong Saturday at Sunday pero last Monday hindi na niya kinaya kaya nagpa-admit na sa ospital.”

Ayon sa diagnose ng doktor ni Vice ay nagkaroon ng intestinal flu ang komedyante. Ayon sa isang health website, “viral gastroenteritis is an intestinal infection marked by watery diarrhea, abdominal cramps, nausea or vomiting, and sometimes fever. The most common way to develop viral gastroenteritis.”

Tinanong naman namin ang aming kausap kung bakit pabalik-balik ang ganitong sakit ni Vice, “Acid reflux na dala ng pagod at sa mga kinakain,” sagot sa amin. Oo nga, wala rin kasi sa oras ang pagkain ng TV host dahil tanghali na siyang nagigising tapos didiretso na sa Showtime at pagkatapos ay saka pa lang siya kakain.

Anyway, pinasasalamatan naman ni Vice ang mga gumamot at nag-asikaso sa kanya sa The Medical City matapos siyang makalabas ng ospital. Balitang binantayan din siya ng kanyang rumored boyfriend na si Ion Perez habang naka-confine siya. Kinilig naman ang kanilang fans nang mabalitang todo-asikaso si Ion kay Vice nang magkasakit ito.

Read more...