HINDI lang isa kundi dalawang gun show ang isasagawa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ngayong taon sa layuning mapataas ang kaalaman at kamalayan ng sambayanan sa buting naidudulot ng responsableng pagmamay-ari sa aspeto ng kabuhayan at maging sa kompetisyon.
Ipinahayag ni AFAD president Alaric Topacio na bubuksan ang Part 1 ng 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show sa Hulyo 11-15, habang nakatakda ang Part 2 ng pamosong event sa Nobyembre 14-18. Parehong isasagawa ang nasabing event sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
“We’re inviting everyone to visit the AFAD Defense & Sporting Arms Show where you can find the best quality and world-class brand and gun accessories offered by our members whose in business for a long time,” sabi ni Topacio sa Usapang Sports forum na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ng umaga sa National Press Club saIntramuros, Maynila.Ikinalulungkot ni Topacio ang mga negatibong isyu na kinasasangkutan ng mga insidente na may kinalaman sa baril ngunit kung pagbabasehan ang datos sa kabuuan, mga ilegal o ‘loose firearms’ ang mga sangkot sa mga insidente.
“Kaya po kami sa AFAD for the past 27 editions ng Defense and Sporting Arms Show ay talaga pong nakatuon sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa responsableng paggamit ng baril at pagmamay-ari nito,” sabi pa ni Topacio sa lingguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Community Basketball Association (CBA), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde..
Sa kabila nito, iginiit ni Topacio na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagkakainteres sa baril at lutang ito sa mga nakalipas na programa ng grupo, sapat para isagawa ang Arms Show ngayon sa mas malaking venue ng Megatrade.
“It’s always filled to the rafters from the opening hours of 10 a.m. up to closing time of 10 p.m. This year, we expect over 25,000 firearms and shooting sports enthusiast to visit the five-day exhibits,” dagdag ni Topacio.
Sa naturang AFAD Arms Show, ayon kay Topacio, kabuuang 60 exhibitior ang makikibahagi habang magsasagawa ang ilang miyembro ng libreng seminars para sa responsableng pagma-may-ari, ligtas na paghawak at martial arts. Handa ring magbigay ng tulong ang Philippine National Police sa pamamagitan ng PNP Caravan para tulungan ang mga gun owners sa pagpapalisensiya at pagbibigay ng permit sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan.
“One-stop caravan po, para matulungan ang ating mga kababayan sa kanilang pagpapalisensya, pagkuha ng kinakailangang examination tulads ng ‘neuro test’ at iba pang dokumento na kinakailangan,” ani Topacio, na sa edad na 27, ang pinakabatang pangulo ng AFAD mula nang itatag noong 1989.
Inanyayahan para makiisa sa nasabing event ang mga mga miyembro ng National Shooting Team, gayundin ang Practical Shooting group na kinabibilangan nina world champion Jethro Dionisio, Jag Lejano, Edward Rivera, Jose Delos Santos, Kahlil Viray, Huey Co, Mariboy Alejandro, Bro Tecson, gayundin sina Grace Tamayo, Marly Martyr at Evelyn Woods.
Ang mga nabaggit ay makikibahagi rin sa gagawing AFAD Australasia Handgun Championship sa Nobyembre 10-17 sa Lipa City, Batangas.
AFAD magsasagawa ng dalawang gun show ngayong taon
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...