400 kilong ‘botcha’ manok nakumpiska sa Paco Market

NAKUMPISKA ng Manila City Veterinary Inspection Board (VIB) ang kabuuang 400 kilong “botcha” o “double-dead” na karne ng manok sa Paco Market. 

Aabot sa P36,000 ang halaga ng nakumpiskang karne, ayon sa VIB.

Sinabi ni Dr. Nick Santos, chief ng VIB food hygiene and regulatory division na nanggaling ang mga double dead na karne ng manok sa Las Pinas at ibinagsak sa Paco Miyerkules ng gabi.

Nanggaling ang mga karne sa mga hindi lisensiyadong slaughterhouse na walang mga permit, ayon pa kay Santos.

Dahil dito, nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa mga sangkot sa pagbebenta ng “double-dead” na karne.

“Itong mga botcha, mga walang permit na pagtitinda ng karne. Dahil gusto natin mapangalagaan ang ating mga mamimili na taga-Lungsod ng Maynila, ang karne na tinitinda sa Maynila ay (dapat) ligtas… safe at inspected,” sabi ni Moreno sa isang video statement. 

“Sa mga magkakarne o magtitinda, huwag niyo po subukan na gawin itong mga ilegal na bagay na ito. Sayang naman puhunan, pero mali po ito,” ayon pa kay Moreno. 

Read more...