SASABAK naman sa drama ang Comedy Genius na si Michael V.. Siguradong paiiyakin daw kayo ni Bitoy sa comeback movie niyang “Family History” with Dawn Zulueta as leading lady.
Sa grand mediacon ng pelikula, proud na ibinandera ng kanyang asawang si Carol Bunagan na siya ring Executive Producer ng Mic Test Entertainment, na ibang-ibang Michael V ang mapapanood ng publiko sa movie bilang si Alex dela Cruz.
Ang Mic Test Entertainment na pag-aari nina Bitoy at Carol ang producer ng “Family History” kasama ang GMA Pictures.
“Yung work attitude wise it’s pretty much the same person I knew all my life, pero yung lalim niya as an actor, medyo nag-shine nang husto dito sa pelikula na parang ang lalim. Grabe ang hugot!
“Kung gaano ‘yung kaya ka niya kalakas na patawanin, I just saw his capability to make you cry rivers,” pagmamalaki pa ng producer.
Bilib na bilib din ang mga co-stars ni Bitoy sa kanyang kahenyuhan dahil bukod sa pagiging lead star at producer, siya rin ang writer at director ng “FH”.
Sabi ni Miguel Tanfelix, na gumaganap bilang anak niya sa movie, “He is such a creative force in this movie. Sobrang unique niyang magtrabaho kaya why not na magka-award.”
Chika naman ng comedienne-singer na si Kakai Bautista who is playing the BFF of Dawn in the film, hindi imposibleng humakot ng awards ang Kapuso comedian para sa nasabing proyekto.
“I think ang laki ng potensyal niya na he will win, the story will win and his directing. Kasi ang steady ni Kuya Bitoy na magdirek. Sobrang steady lang kaming lahat at hindi kami napi-pressure.
“Binigyan niya kami ng freedom to do whatever na kaya namin gawin o ma-add na color sa character pero at the same time he also guided us on how he wants it to be portrayed. So collaborative si Kuya Bitoy,” ani Kakai.
Kahit ang leading lady niyang si Dawn ay hats off sa pagiging geniuis ni Bitoy, “As a writer he has a very clear vision about where the story is going to go.”
“Pero ang gusto ko sa kanya even if siya yung writer, siya rin yung director, open pa rin siya sa suggestions. He is open that he’ll say, ‘I didn’t see it that way I’m glad you point that out.’ I think it’s very refreshing to see in a director,” papuri pa niya kay Bitoy.
Hirit pa niya, “Just to add in life you know there’s so much tragedy, there is also a lot of seriousness and just everyday things, but I think Bitoy is the one that really sees that. He is able capture it also as a director, no one else but him can do that.”
Showing na ang “Family History” sa July 24 nationwide.