ANIM katao ang nadakip nang makuhaan ng aabot sa P4.4 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan, Miyerkules ng umaga.
Naaresto sina John Peter Cruz, 20; Melchor Fernando, 41; at Raffy Anne Denully, 19, nang makuhaan ng P4.159 milyon halaga ng shabu, sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Baliwag, dakong alas-4, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.
Nakapaloob ang kabuuang 611.75 gramo ng droga sa 10 maliit at dalawang malaking pakete, na pawang mga nasa loob ng isang belt bag.
Si Cruz, kilala rin sa tawag na “bunso,” at kanyang mga kasamahan ay pawang mga distributor ng droga sa Baliwag at mga katabing bayan, ayon sa ulat.
Kasunod nito, dakong alas-5, dinampot sina Jhamiter Trinidad, 29; Matthew Mangalile, 18; at isang Ariane Claire Jose nang makuhaan ng P250,000 halaga ng shabu sa buy-bust sa Brgy. Poblacion, Pulilan.
Umabot sa 45 sachet ng shabu ang nasamsam sa tatlo, bukod sa buy-bust money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.