4 tulak patay sa buy-bust sa Taguig

APAT na hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Laguna, Miyerkules ng madaling-araw.

Napatay sina Renato Norvaez at Andrew Diatao nang makipagbarilan sa mga opeatiba sa Brgy. Bucal, Calamba City, dakong alas-2, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Nakutuban umano ng dalawa na pulis ang ka-transaksyon, kaya nagpaputok.

Ilang minuto bago ito, dakong ala-1:40, napatay si Roberto Patricio nang makipagbarilan sa mga pulis na nag-buy bust sa Camella Homes, Bermuda, Brgy., Banlic, Cabuyao City.

Nakuhaan siya ng kalibre-.38 revolver,  isang sachet ng hinihinalang shabu, at P500 na buy-bust money. 

Dakong alas-12, napatay din ang isang alyas “Meng” sa buy-bust sa Brgy. Nueva, San Pedro City.

Nakuhaan siya ng isang sachet ng shabu at kalibre-.45 pistola. 

Read more...