NAG-DONATE pala nang bonggang-bongga si Nadine Lustre sa Metro Manila Pride Organization gamit ang kanyang second and last name na Alexis Lustre.
Ito ang chikang kumakalat ngayon sa social media matapos mag-post ang isang netizen tungkol sa pagiging generous ni Nadine sa pagbibigay suporta sa LGBTQ+ community.
Hindi lang kasi ang presence niya ang super appreciated ng mga beki, tibo at transgender, kundi pati na ang pagbibigay ng undisclosed amount ng girlfriend ni James Reid sa MMP Organization para sa mga charity activities at special causes ng grupo.
Tweet ng isang netizen, “Nadine Lustre. I stan a real queen. Notice how she uses the name Alexis.
Humility at its best. I stan a strong independent woman who is an intellectual, multitalented, a brave woman who never is afraid of breaking norms and is for gender equality.”
Sey naman ng isa pang follower ni Nadine, “I like the way she used her name, Alexis. I stan the right queen! Everyone, my president Nadine Lustre.”
Bukod kay Nadine, sumuporta rin sa Metro Manila Pride March 2019 sina Iza Calzado, Morissette Amon at marami pang iba. The theme for this year’s Pride March is #ResistTogether.
Samantala, ibinandera naman ng VIVA Artists Agency ang pagsasama nina Nadine at Aga Muhlach sa isang project.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawa for a big project. Sa Instagram account ng VAA makikita ang litrato nina Aga at Nadine kasama si Boss Vic del Rosario.
Wala pang karagdagang detalye tungkol sa proyekto nina Aga at Nadine pero ang hula ng mga followers nila ay para ito sa isang pelikula. In fairness, may karapatan na si Nadine na makasama si Aga sa movie dahil tatlo na ang Best Actress award niya this year for her portrayal in the film “Never Not Love You”.