KUWENTONG-REUNION ang sinentruhan ng magkakatropang magkakasama isang gabi habang malakas ang bagsak ng ulan. Kape-kape lang muna sila, pinagpistahan ang mga kakuwanan ng mga artista para hindi sila mainip, napakarami nilang pinagkuwentuhan.
Tungkol sa ipinang-imbitang reunion ng kanyang mga kaibigan at kaklase ang naging paksa tungkol sa isang kilalang male personality. Madalas siyang maalala ng kanyang mga kaklase pero hindi siya dumarating sa kanilang reunion.
Kuwento ng aming source, “Kahit wala siyang trabaho, kahit maluwag naman ang kanyang schedule, e, talagang hindi siya nagpupunta sa napakasaya sana nilang reunion sa high school.
“Meron pa rin naman siyang mga high school friends, may communication sila, pero ang ipinagtataka ng lahat, e, kung bakit ayaw niyang um-attend sa reunion nila samantalang paulit-ulit na nga ang ginagawang imbitasyon sa kanya.
“Meron kasi siyang iniiwasan kaya ayaw niya, inililigtas niya ang sarili niya sa gastos, kaya ganu’n siya!” madiing unang chika ng aming impormante.
Mula nu’ng maging artista na ang male personality ay minsan-makalawa lang siyang dumalo sa kanilang taunang reunion. Pagkatapos nu’n ay hindi na siya nakita pa uli, pinanonood na lang siya sa TV at pelikula ng mga kaklase niya, hindi na siya maabot.
Patuloy ng aming source, “Kuripot kasi ang male personality na ‘yun, kilalang-kilala siya sa showbiz sa sobrang kakuriputan, siya nga lang yata ang personality na hindi nagbibigay ng datung sa staff and crew kapag last shooting day na nila!
“Ayaw niyang dumalo sa reunion una, ayaw niyang magbigay ng donation. Ano na lang ba naman ‘yun?
Magkano lang ang makakaltas sa bulsa niya, pero lumulusot pa rin siya!
“Habang magkakasama raw kasi sila, e, biglang napagkukuwentuhan na ang mga problema ng mga kaklase nilang hindi sinuwerte sa buhay. Du’n na magkakatanungan kung ano ang puwede nilang ibigay na tulong sa mga nangangailangan nilang kaklase.
“‘Yun ang pinakaiiwasan niya, ang paghugot ng datung sa bulsa niya, ganu’n talaga siya kakuring!
Araw-gabi talaga siyang kuripot, pati nga ang sarili niya, e, pinagkukuriputan niya, ang ibang tao pa kaya?” madiing pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, araw-gabi n’yo pa bang iisipin kung sino ang bumibidang male personality na ito?