Paulo Avelino game na game na nakipag-flirt sa mga netizens

PAULO AVELINO

GAME na game na nakipag-flirt ang Kapamilya hunk na si Paulo Avelino sa mga netizens.

Ito ang dahilan kung bakit trending ang pangalan ni Paulo sa Twitter kahapon. In fairness naman kasi, first time makipagkulitan ng aktor sa kanyang followers kaya tuwang-tuwa ang mga fans, lalo na ang mga nagnanasa sa kanya.

Talagang naglaan ng panahon ang binata sa pagsagot ng mga flirty at naughty questions ng mga netizens na ikinagulat din ng madlang pipol. Kilala kasi siya na tahimik lang at hindi mapagpatol sa social media.

Isang Twitter user ang nagtanong sa kanya ng, “How do you like me este your coffee?” na sinagot naman ni Pau ng, “BOLD!”

Sey naman ng isa pa, siya na lang daw ang pansinin ng binata dahil ready siyang makipag-flirt anytime, anywere. Ito naman ang hirit sa kanya ni Paulo, “Bilang ano? Boypren mo? Asawa mo? Laruan mo?”

Tinanong din siya kung ano ang gustung-gusto niyang gawin kapag tag-ulan na very obvious namang may malisya. Maikli pero ang makahulugang tugon ng hunk actor ay, “Lam mo na.”

Sa tanong na, “Halimbawa lang pumasok ang mommy ko sa kwarto ko ano ang sasabihin ko pag tinanong kung ano pa ang ginagawa ko?” ito ang tugon ng binata, “Nagre review lang. Yan naman lagi ninyong sinasabi.”

Comment naman ng isa pa niyang fan, “Hi tapakan mo ako @mepauloavelino!” na sinagot niya ng, “Ano bang meron diyan sa tapakan moko na iyan? Di ba kita pwedeng halikan nalang kesa tapakan?!”

At ito pa, “@mepauloavelino, san ka mas malandi, sa movie or sa real life. Hahahaha!” Hirit ni Pau, “Both. Di ba halata!?”

Samantala, na-curious naman ang madlang pipol sa patikim ni Direk Antoinette Jadaone sa bago niyang pelikulang “Fan Girl” na pinagbibidahan nga ni Paulo.

Sa kanyang Instagram, nag-post ng litrato ang direktor kung saan makikita si Paulo at ang babaeng naka-school uniform na tinakpan ang mukha. May caption itong, “When the cinematography (by Neil Daza) and production design (by Ferdi Abuel) inspire.”

“And no, this (isn’t) a romantic comedy,” hirit pa ng direktor.

Hindi pa ipinakikilala sa publiko kung sino ang batang babae na makakatambal ni Paulo sa movie na gaganap bilang “obsessed teenage fan” na magkakaroon ng chance na makasama ang kanyang idol sa isang mansion.

Read more...