MULING umangat ang lebel ng tubig sa Angat dam at kahapon ng umaga ay wala na ito sa critical level.
Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang lebel ng tubig sa Angat kahapon ng umaga ay 160.29 metro tumaas ng 0.44 metro mula sa 159.85 metro noong Lunes ng umaga.
Pero malayo pa ito sa normal minimum operating level ng Angat na 180 metro kaya kulang pa rin ang isinusuplay na tubig nito para sa Metro Manila. Ang normal high water level ng Angat at 210 metro.
Tumaas din ang lebel ng tubig sa La Mesa dam ng 0.47 metro o mula 71.76 metro ay umakyat ito sa 72.23 metro.
Ang critical level nito ay 69 metro at ang normal water level ay 80 metro.
MOST READ
LATEST STORIES