Horoscope, July 03, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain ang mga kausap upang lalo pang madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-tampuhan. Mapalad ang 1, 16, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Upang mas madaling umunlad gumising ng maaga. Tapusin agad ang mga gawaing nakabinbin. Sa pag-ibig, wag pag hintayin ang kasuyo, kailangang mauna ka sa inyong tagpuan. Mapalad ang 3, 15, 27, 39, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Gray at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat tumanggi kung alam mong wala ka namang ipapautang kaysa naman maapektuhan ang budget ng pamilya. Tumulong sa ibang paraan ng hindi ka nagagastusan. Sa pag-ibig, laging unahin ang hinaing ng kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 21, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dasma-Om.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Tandaang uulanin ka ng suwerte sa sandaling inaplay mo sa iyong buhay ang ganitong kasabihan: “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Mahalin ang isang nilalang na matagal na sa iyo ay may lihim na pagtingin. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sol-Gayatri-Om.” Pink at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Magtabi para sa kinabukasan. Ngayon pa lang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa kasuyong atat na atat ka ng makasama. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Blue at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag mawalan ng pag-asa, darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung tuloy-tuloy ang isang masarap at matamis na relasyon. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Iwasan ang maling relasyon upang hindi mapahamak. Sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, wag sayangin ang salapi sa pagbili ng kung ano-anong gadgets na hindi naman kailangan. Mapalad ang 5, 9, 32, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Labis ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya madalas siyang mag-selos. Mamayang gabi, ipagluto mo siya ng masarap na ulam upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, mas madali kang uunlad sa kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Halka.” Purple at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag ubusin ang salapi dahil sa pag-ibig, baka mabigo at lumuha ka na naman. Hayaan mong kusang dumating ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Cancer. Sa pinansyal, upang yumaman, tipirin at palaguin ang bawat pisong mahahawakan. Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Kris-Nah.” Yellow at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung may mabigat na problema ituloy ang nakaugaliang pagdarasal, upang mabilis na umangat ang kabuhayan. Tandaang anoman ang uri ng probema, may magic ang dasal. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Kung nanlalamig ang ka-relasyon ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling magbaga. Sa pinansyal ipakita sa kanila ang ehemplo ng masinop na pamumuhay. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yara-Salvame-Om .” Red at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mapapahamak ka na naman dahil sa maling ginagawa ng mga mahal mo sa buhay. Sabihin sa kasuyo na iwasan ang sobrang lakas ng loob. Itigil na rin ang pangungutang kung wala namang inaasahang pambayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenam-Om.” Gold at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang pag-gastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang dapat. Mapalad ang 7, 16, 29, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Read more...