Janine may hang-over pa sa LGBTQ+ Pride march

JANINE GUTIERREZ

MAY hangover pa rin ang Dragon Lady star na si Janine Gutierrez sa naganap na 2019 Metro Manila Pride March and Festival na ginanap last Saturday sa Marikina Sports Complex.

Isa si Janine sa mga celebrities na nakisaya sa Pride March at talagang sumuporta nang bonggang-bongga sa mga kaibigan niyang members ng LGBTQ+ community.

Sa kanyang Instagram stories, nag-post uli si Janine ng naging experience niya sa pagrampa sa nasabing event.

Aniya, “I know it’s Monday already, but I’m just looking at the tagged posts now. Happy pride again everyone! So happy to celebrate.”

Ilan pa sa mga artistang nakilahok sa LGBTQ+ celebration ay sina Iza Calzado, Nadine Lustre, Joey de Leon, Allan K, Chynna Ortaleza, Gabbi Garcia, Bea Binene, Isabelle Daza at marami pang iba.

Samantala, malaki ang ipinagpapasalamat ni Janine sa LGBTQ community dahil mula noong magsimula siya sa showbiz hanggang ngayon ay talagang suportado siya ng mga ito. Sa katunayan, karamihan sa mga loyal viewers ng afternoon series nilang Dragon Lady sa GMA 7 ay mga beki.

Read more...