Inigo kay Maris: Friends pa rin kami

DINENAY ni Inigo Pascual na magkagalit sila ng dating ka-loveteam na si Maris Racal. Kahit binuwag pansamantala ang tambalang MarNigo, magkaibigan pa rin sila.

“Before I left for the States, before I did the whole radio tour in the States, she messaged me saying congratulations and good luck and it meant a lot to me,” sabi ni Inigo sa panayam ng ABS-CBN.

“We’re good. We’re friends. We’re okay honestly. We’re not on bad terms,” dagdag pa ng binata.

MASAYANG ikinuwento ng hosts ng Teleradyo show na “Kapamilya Konek” na sina Jing Castaneda at Susan Afan na senior citizens ang karamihang nakakikilala sa kanila.

Napapakinggan at napapanood tuwing Linggo, 5 p.m. ang kanilang programa.

Kuwento ni Ms. Susan, “Sinasabi ko nga po kay Jing whether I’m in a mall or whether I’m seeing people walang nakakakita or nakakaalam sa akin, pero kapag kasama ko ang mother ko, ‘yung kanyang mga parties, aba nagiging star po ako kasi lahat pala ng kanyang mga amiga nanonood pala sa amin.

“Sometimes they’re in the hospital in the waiting room or there in traffic, they’re listened to us.

“‘Yun nga ‘yung mga senior who are listening to us and seems still nakikinig sa mga radyo are the ones in traffic and the mother’s who are cooking on a Sunday for their meals, they listened the stories of Mommy Jing and tita Susan,” aniya pa.

Say naman ni Jing, “Ako po, I’ve been with ABS for 20 years and then 17 years doon ay bilang broadcast journalist, reporter at anchor. Sa nakita ko po kung dati ang mga nakikinig sa atin sa radyo at nanonood sa teleradyo ay into issues like political, pero ngayon iba na rin.

“Mas tinututukan nila ‘yung mga malapit sa sikmura like paano ba magagamit ang impormasyon na ito para mapaganda ‘yung kalagayan ng pamilya ko, para makahanap ako ng scholarship sa mga anak ko, hihingi ako ng tulong sa hospital, saan ba kami lalapit para makakuha ng tulong.

“Always the political side will always be there bahagi pa rin ng media ang radyo pero mas praktikal ang mga nakikinig ngayon, like ano ang epekto nito sa buhay ko, bukas ba lalaki kita ko, lumaki ang ipon o, makakatulong ba itong pinapanood ko para mas gumanda ang buhay ng mga anak ko, palagay ko po, yun po ang evolutions ng viewers.

“Kaya naman din bahagi ng DZMM ay mas tutok din ngayon ang mga programa hindi lang mga political but also as health programs, family programs at ngayon may bago ‘yung Good Job tungkol naman sa livelihood meron ding turo-turo naman na tuwing Saturday naman. Kung ano po ‘yung mas praktikal na nakakatulong sa mga tao,” dagdag niya.

Nu’ng araw ang radyo ay mabenta sa mga mahilig sa drama lalo na kapag naglalaba, nagluluto at iba pang gawaing bahay. At dahil digital na lahat ngayon na mas pinagaan ang buhay, karamihan ay hindi na nakikinig. Kaya ang pakiwari ng lahat maski sa probinsya ay hindi na uso ang radyo.

“I definitely think so na marami pa rin sa provinces dahil hindi naman lahat ay may washing machines, so definitely meron,” say ni Ms. Susan.

Hirit naman ni Ms. Jing, “Sa probinsya po meron pa rin kasi lalo nap ag umaga kasi pag nagpi-pint hitch ako kina manong Ted (Failon) at Kabayan (Noli de Castro) minsan may mga nagte-text sa amin na mangingisda na nasa bangka, minsan may magte-text na magsasaka nasa bukid.”

“At dahil online rin kami ngayon they can also watch on YouTube, Facebook Live,” saad naman ni Ms. Susan.
Marami ring tagapakinig ang “Kapamilya Konek” sa ibang bansa, “Yes po, all the time. Maraming nakikinig sa Middle East like Dubai, Saudi Arabia. Usually they share their problems, may mga success stories din or bumabati sa mga family nila dito sa Pilipinas, shoutout ganu’n.

“Malaking tulong din ‘yung sa Facebook live kasi ‘yung mga pamilya nila nagpapadala ng messages at tuwang-tuwa na sila kapag binati mo sila at narinig na binati mo ‘yung pamilya nilang nasa Pilipinas,” ani Ms. Jing.

Read more...