‘Alex Gonzaga nagpapatawa ka ba? Galit ka sa haters pero grabe ka ring mang-bash’
PINANINDIGAN ni Alex Gonzaga ang pagtataray sa basher ng kanyang father na natalo noong nakaraang election.
In a recent interview, she explained why she made patol sa basher who said, “Dami na time ni Daddy no @cathygonzaga #talo.”
“Totoo nga ‘yung sinabi ng ate ko na ‘pag kami naba-bash, okay lang. Pero pag ‘yung magulang mo, iba. Parang nabubuwisit ka na parang, ‘Ano ang karapatan mo na ganyanin ang mahal ko sa buhay?’
“Siyempre, lalo na ‘yung sa daddy ko na parang may mga ibang tao na ‘di naman nila kilala…tapos, ‘di naman nila alam ang mga nagawa ng daddy ko, naitulong ng daddy ko.
“So, parang they are celebrating someone’s misfortune. Parang for me it’s not right, tapos kukutyain mo pa. Tapos, sa page ko. Okay lang naman sa ibang page, pero wag sa page ko.”
That was Alex’s explanation na lumabas sa isang online portal.
What she conveniently forgot is mas matindi pa ang ginawa niya sa isang mayor ng Parañaque when she campaigned for a party-list. Mas masakit ang kanyang binitiwang salita sa mismong lugar kung saan nanungkulan ang mayor. What she did was outright kabastusan.
Galit na galit siya, eh, ang sinabi lang ng basher sa tatay niya ay talo samantalang siya ay mas matindi ang sinabi.
Hindi ba niya naisip yung naramdaman ng pamilya nu’ng mayor?
Hindi ba’t napilitan pa siyang makipag-meeting sa mayor na pinatutsadahan niya nang umugong ang balitang papatawan siya ng persona non grata?
Nagpapatawa ba itong si Alex? For us kasi, her explanation isn’t guffaw-eliciting!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.