NAKAKARAMDAM ng kaba si Alden Richards kung ano ang magiging pagtanggap ng publiko sa movie nila ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye.”
Hindi naman natin siya masisisi dahil matagal-tagal na rin siyang nabakante sa paggawa ng pelikula. Ang huling movie pa niya ay ‘yung sa kanila pa ni Maine Mendoza, ang “Imagine You & Me” na kinunan pa sa Italy.
Pero para kay Kathryn, kampante siyang tatangkilikin ito ng mga fans dahil bukod sa maganda na ang kuwento ng
“HLG”, at first time nilang magsasama ni Alden, ito rin ay isang pa-tribute nila sa mga OFWs natin.
Ayon naman sa KathDen fans, malala ang chemistry nina Kath at Alden sa movie kaya siguradong panonoorin ito ng kanilang respective supporters.
Samantala, kagabi ang launching ng full trailer ng movie kaya tiyak na sabog na naman ang digital platforms ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa comments and likes ng KathDen fans.