Pinusuan ng libu-libong netizens ang kanyang IG photo kung saan makikita ang tatlong lobe, isang helix, at isang rook piercing sa kanyang kanang tainga.
“Back to IG poses 101! This time, demonstrating how to casually show off your piercings. Mwahaha,” ang caption ng dalaga sa kanyang litrato.
Kung matatandaan, noong February, kasabay ni Kathryn na nagpa-helix piercing ang kanyang “The Hows of Us” co-stars na sina Ria Atayde at Juan Miguel Severo. And last June, nagpa-rook piercing naman siya with Ria.
Ilan sa mga celebrities na na-amaze sa ear piercings ni Kathryn ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Iza Calzado, Sarah Lahbati at Charlene Gonzales.
Samantala, busy na ngayon si Kathryn sa promo ng bago niyang pelikula kasama si Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” under the direction of Cathy Molina.