NAGBANTA si Manila Mayor Isko Moreno na babawiin ang permit ng University of the East matapos namang mabigong magsuspinde ng klase sa kabila ng kanyang utos.
Idinagdag ni Moreno na maaari namang umalis sa Maynila ang UE kung patuloy na hindi susunod sa atas ng lokal na pamahalaan.
“University of the East, wag matigas ulo niyo ah. Nagdeklara na kami ng suspensyon ng klase. Ngayon, kung ayaw niyong sumusod, umalis kayo sa lungsod ng Maynila. We will withdraw your permit to operate in the City of Manila,” dagdag ni Moreno matapos namang makatanggap ng ulat na hanggang Grade 12 lamang ang nagkansela ng klase.
“We are after the welfare of our students, we owe it to the public. You harmonize with the city government,” ayon pa kay Moreno.
Inihayag ni Moreno ang suspensyon ng klase ganap na alas-9:49 ng umaga epektibo alas-12 ng tanghali.