Maraming natutunang positive news si Niña Corpuz sa show nila nina Dra. Luisa Ticzon-Puyat, at Ahwel Paz na “Good Vibes” na airing sa Teleradyo at DZMM tuwing Lunes hanggang Biyernes, 1 p.m..
“Actually, nagulat din ako. Everyday, we have new to tell , at least four good news stories na minsan na-o-overlook lang ng ibang programs. So it’s perfect to have Good Vibes kasi minsan, alam n’yo naman ‘pag news. It’s a break from sinasabing negativity, fake news.
“Good Vibes gives you the much-needed positivity and inspiring stories. Nagugulat ako, ‘yung iba hindi ko po napapanood sa ibang program pero finally, nagkaroon na sila ng venue para masabi ang kanilang istorya na dapat lang malaman din ng mga tao.
“Nakakatuwa na may bata na nagpatayo ng library, senior ci-tizen na nag-graduate ng college, may nag-abogado pa. May street sweeper na nakapulot ng wallet na may P30,000, sa Cebu ito, ibinalik niya ang at nang binibigyan siya ng reward hindi niya tinanggap,” chika Niña.