AMINADO sina Camille Prats at Iya Villania na very challenging para sa mga mommy na tulad nila ang magpalaki ng anak na lalaki.
Sina Iya at Camille ang magsasama para sa upcoming talk show ng Kapuso Network na Mars Pa More. Yes, nasa GMA 7 na ang Mars na dating napapanood sa News TV with Camille and Suzi Entrata Abrera.
Sa nakaraang mediacon ng Mars Pa More, sinabi nina Iya at Camille na matagal na silang friends kaya naging madali na lang para sa kanila ang magkaroon ng rapport at chemistry sa kanilang bagong morning show.
Sa presscon, natanong nga ang dalawang host ng MPM kung paano ang bonding moments nila with their sons, si Camille kay Nathan at si Iya kay Primo.
Chika ni Camille, “Kay Nathan pa lang ako pinakamadaming naging experience when it comes to bonding dahil with Nala, I got pregnant right away after mag-turn niya a little over one. Siguro kay Nathan, mas outdoors kasi lalaki.
“Raising a boy, kailangan very active din ‘yung mga activities na pinapagawa mo sa kanila kasi gusto nating maging malakas sila. We don’t want them growing up na parang lampa, ako personally gusto ko talaga medyo matibay ‘yung katawan, hindi ‘yung konting masugatan, iiyak,” paliwanag ni Camille.
“I really encouraged him to enter sports so, nagsa-soccer siya as early as four years old, until now,” dagdag pa niya.
Grabe rin daw ang energy ni Nathan, “Kaya kailangan may outlet talaga sila. Kasi na-notice ko kapag wala siyang ginagawa, nagiging frustrated siya, nagiging emotional siya. Ang bilis niyang mainis.
“Anong nangyayari? Siguro wala ngang outlet so para din hindi siya mag-gadgets all day. You’re only allowed to use your PS4 for two hours a day but the rest of the day, anong gagawin niya? So I gave him books to read or activities to do,” chika pa ni Camille.
Si Primo naman daw sey ni Iya ay mahilig sa kitchen and outdoor activities, “Being in the kitchen with Primo, nagluluto kami, baking. Anything kitchen-related, gusto talaga ng anak ko. And just being outdoors, anuman pa ‘yan, walking, drawing with rocks, or running around chasing stray cats. ‘Yan ‘yung bonding moments namin.
“Kapag namamalengke, pinapahuli niya ‘yung mga isda sa isang balde. Ginagawa niyang zoo ang market, ginagawa niyang aquarium!” natatawang sey ng misis ni Drew Arellano.
Paano naman nila dinidisiplina ang mga bagets?
“I think I’m pretty lenient with Primo, I feel that I like to let him explore. It really depends kasi kung saan nanggagaling ‘yung mommy eh. Kasi ‘yung isang mommy, magiging strict kasi natatakot masaktan ‘yung anak but then there are other moms that are strict in another sense.
“Kunwari ako, strict ako kay Primo kapag lumalakas ‘yung boses niya, sa manners, more on behavior. Doon ako strikto, when it comes to being respectful to other people. But in terms of exploring and making a mess, I’m pretty lenient with him,” pahayag ni Iya.
Para naman kay Camille, “Ako kay Nathan, ganoon din. I remember I was also just very strict with him when it comes to nakakaabala na siya sa ibang tao. Iyon lang naman, bilang magulang na ayaw natin. Isinasama mo na nga ‘yung anak mo tapos nagko-cause pa siya ng hassle sa workplace mo.
“So I just make sure na you greet everyone, say hi to everyone, wala kang sinisirang gamit, hindi ka malikot. I think I’m strict that way,” paliwanag pa ni Camille.
Samantala, magsisimula na ang Mars Pa More sa July 8, 8:50 a.m. sa GMA 7. Sa pilot episode ng programa ay makakasama nina Camille at Iya ang Pambansang Bae na si Alden Richards.