MAAARING iginigiit umano ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang term sharing dahil alam nito na malabo na siyang manalo sa speakership race.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sinabi na ni Pangulong Duterte na hindi ito makiki-alam sa pagluklok ng lider ng Kamara de Representantes kay hindi na umano dapat igiit pa ang term sharing.
Sinabi ni Cayetano na tumalikod si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa usapang term sharing kahit na pinayagan na ito ni Duterte.
“Ang sabi ng presidente labo-labo na lang sila,” ani Pimentel. “Sinusunod lang ni Cong. Velasco kung ano ang sinasabi ng presidente na hindi siya manghihimasok sa laban ng speakership sa darating ng 18th Congress.”
Kung kumpiyansa umano si Cayetano na mananalo hindi nito igigiit ang term sharing option.
“We’ll sa tingin ko, I hope the good Congressman from Taguig will not be offended, because he could already see that Cong. Lord Alan Velasco has already the numbers,” dagdag pa ni Pimentel.
Sinabi ni Pimentel na nakuha na ni Velasco ang suporta ng maraming miyembro ng 18th Congress.
Ayon naman kay Capiz Rep. Fredenil Castro patay na ang usapin ng term sharing ng sabihin ni Duterte na maglabo-labo na lamang ang mga kandidato sa pagka-speaker.