NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Southern Leyte kaninang umaga (Linggo).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3 ng umaga. Ang epicenter nito ay 36 kilometro sa kanluran ng Limasawa at may lalim na 30 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Cebu City; Mambajao, Camiguin at Gingoog City.
Intensity II naman sa Palo Leyte, Bogo City; Lapu-lapu City; Argao City; Tagbilaran City; Palo, Leyte; at Ormoc City.
Intensity I naman sa Cagayan De Oro City.
MOST READ
LATEST STORIES